Filipino Hymn K-N


Kunin Mo Ang Buhay Ko


1. Kunin Mo ang buhay ko,
Ilaan para sa ‘Yo.
Hetong mga araw ko,
Laging pupuri sa ’Yo.
Laging pupuri sa ’Yo.


2. Kunin Mo kamay na ’to;
Lingkod ng pagibig Mo.
Aking paa’y kunin Mo ,
May siglang para sa ’Yo.
May siglang para sa ’Yo.


3. Aking tinig kunin Mo;
Aawit lagi sa ’Yo.
Kunin din ang labi ko,
Pun’in ng Salita Mo.
Pun’in ng Salita Mo.


4. Aking ya ma’y kunin Mo;
Na maialay sa ’Yo.
Kunin aking talino
Maglingkod sa layon Mo;
Maglingkod sa layon Mo.


5. Kaloo ba’y kunin Mo
Na maglingkod nang husto;
Kunin Mo ang puso ko
At maging luklu kan Mo;
At maging luklu kan Mo


6. Kunin Mo’ng pagibig ko;
Ialay sa pa’nan Mo;
Sarili ko’y kunin Mo;
Maging lagi nang sa ’Yo;
Maging lagi nang sa ’Yo.

 


L’walhati, Hari ng buhay


1.L’walhati, Hari ng buhay,
Sa Iyo iaalay,
Nang di Kita malimutan,
Kalbaryo’y puntahan.


Refrain
Di-malimot Getsemani,
Di-malimot Iyong pighati,
Di-malimot pag-ibig Mo,
Dahil sa Kalbaryo.


2.Makita ko ang libingan
Na pinagtangisan;
Mga anghel ang nagbantay,
Nang Ika’y humimlay.


3.Doon ako mag-aalay,
Tulad ni Maria,
Ituro Mo ang libingan,
Aking mapuntahan.


4.Nawa’y kusang pasanin ko
Ang krus para sa Iyo,
Kahit ang hapis Mong saro,
Ay mabahagi ko.


5.Nais Mong higit pang tao
Ang maakit sa Iyo;
Linisin Mo aking labi,
Kalbaryo’y ’pagbunyi.

 


Laging Sasaakin Sa Jesus


1. Di mula sa mundo kapayapaan ko, Ito’y kaloob ni Cristo;
Kahit na dumagsa ang mga _ pagsubok, Puso ko’y mapayapang lubos.


Refrain
Si Jesus ay laging Na sa akin; Sa lahat ng oras ay susundin,
Di Niya ako iiwan, at nangako Siyang, “Ako’y sasaiyo, kailan pa man.


2. O Banal na Diwa, dulot Mo’y katiyakong, Kay Cristo’y may kaligtasan;
Buhay ko’y lalago sa Iyong kalinga, At magbubunga nang sagana.


3. Ang Pagibig ng Dios ang laging tatanglaw, Sa akin sa arawaraw;
Ako’y iingatan hanggang sa masapit, Ang Kanyang tahanan sa langit.

 


Lahat ng tipan sa akin ng Ama


Lahat ng tipan sa akin ng Ama
tibay ko sa pananampalataya,
Ang buhay ko’y nasa liwanag Niya
sa pangako N’ya’y umaasa.


Koro:
Masagana, mga pangako ni Jesus na biyaya,
Masagana, ako sa tipan Niya’y tiwala. AMEN.


Ang pangako Niya sa taong tapat
sa kabutihan ng Dios magaganap,
Tiwala akong lagi at panatag
na tatamuhin ko ang galak.


Lahat ng pangako ng Dios na giliw
tanglaw at lakas ng buhay kong angkin,
Siyang sa dalita’y kalasag natin
nang ang kasamaa’y gahisin.