Filipino Hymn K-N


Kaya Mo Ba ang Mabuhay Para sa Akin Lamang


“Kaya mo ba ang mabuhay para sa akin lamang?”
Panginoon ang tugon ko, “Buhay ko ay sa’Yo lang.”


Koro:
Ang aking buhay, sa Iyo lamang.
Ako’y hubugin, gamiting tunay,
Ang Iyong tanglaw ng pagmamahal
Ang liwanag at gabay sa ‘king daan. Amen.


“Iyo bang naaalala, ang napakong salarin?
Siya ay sumamp’lataya, at s’ya ay naligtas din?”


“Kaya mo bang magpatuloy sa iyong paglilingkod?
Bagama’t mayroong pagsubok, ikaw ba ay susunod?”


“Susunod ka ba sa akin kung puno ng pasanin?”
“Susunod ako O Jesus, hanggang ako ay kunin!”

 


Kasama ni Hesus ako ay papasyal


1.Kasama ni Hesus ako ay papasyal,
Kung sa’n namumulaklak o bumubukal;
Susundin ko ang tahak ng aking Patnubay,
Hanggang kamtan ko ang putong ng buhay.


Ref
Sunod, sunod, susunod kay Hesus!
Saan man Niya dalhin, ako’y susunod!
Sunod, sunod, susunod kay Hesus!
Kahit saan man ako ay susunod!


2.Kasama ni Hesus ako ay susulong,
Kahit bumabagyo man o umaalon;
Kamay Niya ang aakay, wala akong kaba,
Wala nang panganib kung malapit Siya.


3.Maging sa patag o nasa kabundukan,
Ang kaluluwa ko’y Kanyang iingatan;
Siya ang nangunguna sa aking daraanan,
Hanggang kamtan ko ang kal’walhatian.

 


Kung minamasdan ko ang krus


1.Kung minamasdan ko ang krus,
Kung sa’n napako si Hesus,
Pakinabang ko’y winak’san,
Tinakwil kapalaluan.


2.’Di magmamapuri ako
Maliban sa Krus ni Kristo;
Inibig kong rangya’t dangal,
Ngayo’y inari kong sukal.


3.Mula paa, hanggang ulo,
Pag-ibig sabay sa dugo,
Naghalo dusa’t pag-ibig
Taglay Mo’y putong na tinik.


4.Masdan, katawan ni Hesus,
Babad sa dugong nabuhos.
Sa mundo’y patay na ako,
Sa ’ki’y patay na rin ito.


5.Akin man ang kalikasan
Ay wala ring kabuluhan;
Sa pag-ibig na dalisay,
Puso’t buhay ko’y ialay.