Filipino Hymn K-N


Kaliwanagan


1.Lumalakad sa liwanag sa daan,
Maging sa bundak, o patag man
Sabi ni Jesus di ka liwan
Pangakong banal di kukulang.


Ref
Makalanggit na, kaliwanagan ,
Puspos ang kalui’wa kong tunay,
Aleluya may kagalakan
Akin si Jesus papurihan.


2.Kadiliman sa aking paligid,
Patnubay ko’y di matatakpan;
Liwanag S’ya’t walang kadlilman,
Laging sa piling N’ya hahakbang.


3. Sa liwanag ay may kagalakan
Patuloy sa kaitaasan;
Inaawit Kanyang kapurihan,
Sa liwanag ng pagmamahal.

 


Kalooban Mo Diyos ay Sundin


1.Kalooban Mo, Diyos ay sundin,
Sa kamay Mo ako’y hugisin;
Ako’y gawin Mong masunurin,
Ang Iyong nasa’y siyang gawin.


2.Kalooban Mo’y sundin, o Diyos!
At siyasatin yaring puso;
Pakalinisin akong lubos,
Ngayon sa Iyo’y dumudulog!


3.Diyos, ang gawin ay ang nasa Mo,
Huwag ang sa aking makatao;
Kapangyariha’y nasa Iyo,
Sampung kalinga at saklolo!


4.Sundin ang Iyong Kalooban
Buhay ko’y Iyong pagharian;
Diwa na banal, ako’y lukuban
Nang kay Hesus na kagandahan!

 



Kaluluwang Tigib Sala, kay Jesus umasa;
Upang magkamit ginhawa’y talimahin Siya.


Koro
Magtiwala ka sa Kanya, Magtiwala ka‘t
Ililigtas ka ngayon na Ililigtas ka


Magsisi lamang mataos At magblik loob,
Ay malilinis kang lubos Sa dugo ni Jesus


Lubos kang pagpapalain Kung iyong sambahin
Si Jesus na masintahing Kusang gumigiliw


Halina at makipisan Sa nangaglalakbay
Na patungo sa tahanang Walang kawakasan.