Filipino Hymn K-N


Munting Bayan ng Betlehem


Munting bayan ng Bethlehem, Sa ‘yong pakahimbing;
Tahimik nanagniningning Tala’t mga bitwi’n;
Ngunit sa ’yong lansangan Sumitkat ang ilaw;
Syang laon nang ng Bayan ay pangakong hinintay.


Pagka’t kay Mariang birhen, Balita ng anghel;
Sa Kristo ay isinilang Anghel nagawitan;
Sa Diyos ang luwalhati Walang hanggang Hari;
Sa lupa’y Kapayapaan; Tao’y kinalugdan.


Walang ingay kay tahimik, Kaloob ng Langit;
Gayon ng Diyos ibinigay, Ang handdog na buhay,
Di man tanto ng tao, Kanyang pagparito,
Ngunit sa magsisitanggap Kristo’y ditong ganap


Banal na sanggol sa amin, Manaog dalangin;
Al’sin ang sala’t linisin; Ika’y maging amin.
Ang Mabuting Balitang, Aming napakinggan,
O Diyos na Nagsakatawan Sa ami’y manahan. Amen.

 


Nagbangon sa libingan


Sa puntod humimlay Ang Manunbos
Araw hinihintay Aking Jesus


Koro
Nagbangon sa libingan Sa kaaway ay nagtagumpay
Nanaig S’ya laban sa kadiliman
At nabuhay nang maghari kaylanman
S’ya’y buhay S’ya’y buhay Aleluya S’ya’y buhay


Nawalan ng saysay Ang paglalamay
Noong manga bantay Critong mahal


Kamatay’y bigo Sa mananakop
Libinga’y winasak Aking Jesus

 


Nais kong lalong matalos


1.Nais kong lalong matalos
Ang pagpapala ni Hesus;
Ang pagliligtas Niyang puspos
At ang kamatayan sa krus.


Ref
Kristo’y aking nasa,
Lalong makilala
Pagtubos Niyang kay dakila,
Yaman Niyang aking tamasa.


2.Nais ko ring matutunan
Ang banal Niyang kalooban;
Turuan ng Espiritu,
Nang malaman ko si Kristo.


3.Higit pang Kristo’y matamo
Sa Salitang punung-puno;
Ng pag-ibig, katapatan
Ng buhay at kasiyahan.


4.Si Hesus nasa luklukan,
Taglay Niyang kal’walhatian,
Makita ko’ng kaharian,
Hari ng kapayapaan