Filipino Hymn K-N


Matamis Na Pangalan


1.Ngalan ni Jesus ingatan At Siya ang nagpasan;
Pagako sa kamatayan, Nating lilo at banday.


Ref
Ngalan na marangal, Matamis at dalisay;
Panlunas sa tanan, Twa ng sangkalangitan.


2.Ngalan ni Jesus ibigin, kalasag na patalim;
Kaluluwang nagupiling, Magkusa nang gumising.


3.Ngalan ni Jesus isabog, Kapangyariha’y lubos;
Natindig at nayukayok, Sa kaniyang pagibig.

 


May Init Sa Aking Kalul’wa


1. May init sa aking kalul’wa,
Na wala ngang katulad;
Tanging kay Hesus nagmumula,
‘Pagkat siya’y liwanag.


Ref
May liwanag, O may liwanag
Buhay ko’y payapa kaytamis.
Kung si Hesus ang siya kong kapiling,
Kalul’wa ko’y maningning.


2. May awit sa aking kalul’wa,
Na alay ko kay Hesus;
Sa Pagpupuri at pagsamba,
Nang ako’y matubos.


3. May aliw sa aking kalul’wa,
Nang dahil sa pagasa;
Say pala na kaloob niya,
Ako ay masaya .


4. May init sa aking kalul’wa,
Na wala ngang katulad;
Tanging kay Hesus nagmumula,
‘Pagkat s’yang liwanag.

 


May Manliligtas sa glorya’y nagdasal


1.May Manliligtas sa glorya’y nagdasal
Siya’y kaibig-ibig ’king minamahal;
Magiliw ngang akong binabantayan Niya,
Maging Manliligtas mo rin nawa Siya.


Ref
Ako’y nagdarasal,
Ako’y nagdarasal,
Ako’y nagdarasal,
Para nga sa Iyo.


2.May Ama ako sa aki’y nagbigay
Pag-asang walang hanggan na siyang tunay;
Sa kaharian ng langit, tatawagin,
Nawa’y payag Siyang ika’y aking dalhin.


3.May payapang ’sing tahimik ng ilog,
Payapang tagamundo’y di maarok;
Manliligtas ko lamang ang nagkaloob,
Nawa sa Iyo rin ay ipagkaloob.