Filipino Hymn K-N


Marilag Na Jesus


1. Marilag na Jesus, Hari ng Sinukob, Naganyong taong Anak ng Dios;
Pinupuri Kita ngayo’t sinasamba, O tuwa ng kaluluwa.


2. Mariya ang libis, at lalo ang bukid, Sa sinagaraw nilang damit;
Ngunit Ikaw Jesus, ay lalong mairog, Kaysa alinmang alindog!


3. Marilag ang araw, ang sinag ng buwan, At bituin sa kalangitan;
Ngunit ang handa Mo, Mahal na Jesus ko, Higit sa lahat ng ito!
Amen.

 



Matamis ang magtiwala
Kay Jesus na dakila
Lalasapin ko’y biyaya
At walang hanggang pala


Chorus
Jesus, Jesus, anong tamis
Ang sa Iyo’y umiibig Jesus,
Jesus, aking nais,
Ang sa Iyo’y manalig


Kay sarap ang magtiwala
Sa dugong mapagpala
Sala ko’y nahugasan nga,
At kanyang pinalaya


Oo, kay tamis ni Jesus
Na sa aki’y tumubos
Siyang kaaliwang lubos,
At kabuhayang puspos.


Matamis na Kapayapaan


Sa puso ko ay naniig Isang himig na Matamis
Muli’t muli kong inawit Ang kapayapang langit.


Ref
Anong tamis Ng Kapayapa’ng langit
O! kahangahangang labis Ang sa Dios na pag-ibig.


Sa krus kay Jesus kinamtan ang aking kapayapaan
Ang utang ko’y binay aran Ng Kanyang kamatayan.


Nang si Cristo’y putungan ko Puso’y galak na totoo
Biyaya’y aking tinamo Na kaloob ni Cristo.


Ako ay lalaging lubos Sa kapayapa’n ni Jesus
Ako ay Kaniyang kupkop At sa biyaya’y puspos.