Filipino Hymn A-J


Hindi ko natatalos kung bakit


1.Hindi ko natatalos kung bakit
’Ko’y tinubos ng pag-ibig,
Biyaya’y inihayag sa akin,
Nang kay Hesus mapaangkin.


Ref
Nguni’t aking talos kung sino
Ang aking pinaniniwalaan;
Iingatan Niya tiyak ako
Hanggang sa walang hanggan.


2.Kung papaano sa pananalig
Ang maligtas di ko batid,
At sa ’king pananampalataya
Ang puso ko’y mapayapa.


3.Di ko natatalos kung paano
Napaamin ng ’Spiritu
Ang tao sa sarili niyang sala,
Sa Diyos sumampalataya.


4.Hindi ko natatalos kung anong
Buti o sama mayroon,
Hirap o ginhawa para sa ’kin
Bago si Hesus dumating.


5.Di ko natatalos ang pagbalik
Ni Hesus mula sa langit,
Siya ba ay aking sasalubungin,
Sa araw o takip-silim.

 


Ibig Kong Isalaysay


1.Ibig kong magsalaysay,
Mak’langit na bagay,
Hesus, tamis ng tinig,
L’walhati’t pag-ibig.
Ibig kong magsalaysay,
Alam ko Siya’y tunay,
Nagbigay kasiyahan,
Hindi siya mahigtan.


Refrain
Ibig kong magsalaysay,
Paksang hanggang l’walhati,
Ang kasaysayang dati:
Hesus at pag-ibig.


2.Ibig kong magsalaysay,
Tila mas mahusay
Kaysa mga pangarap
At aking pagsikap;
Ibig kong magsalaysay,
Lahat na ’binigay,
Ito nga ang dahilan
Ika’y bahaginan.


3.Ibig kong magsalaysay,
Paulit na saysay,
Pag lalong sinasambit,
Lalong tumatamis.
Ibig kong magsalaysay
Sa mga walang malay,
Ng kaligtasang lubos
Sa Salita ng Diyos.


4.Ibig kong magsalaysay,
Pagka’t mga banal ay
Sabik makabalita
Tulad din ng iba.
Pagdating sa l’walhati,
Kasaysayang dati
Na pinakaiibig
Ang bago kong awit.

 



1. Ibigin ang kapwa Ang maging nasa,
Buhay ni Jesus ay ibalita,
Igawad ang awa at pagpapala
Sa sinomang napapariwara


Refrain
Akayin sa lingap, Ang nalilinsad.
Sa Dios na may habag, Nang miligtas.


2.Sakaling aayaw, ay pagtamanang.
Pilitin sa mga kagalinga,
Hanggang sa maparam ang kadiliman.
Siya’y kusaing pagtiyagaan.


3. Sa dibdib na tigib, ng salang dungis.
Ang kaligtasa’y siyang ipilit
Na doo’y masilid, at nang sumapit,
Sa paa ni Jesus ay ihatid.


4. Ituro ang bagay sa kaligtasan,
Tulong ni Jesus iyong asahan.
Siya ang agapay ng kalakasan.
Mong tatamuhin na walang hanggang.