Filipino Hymn O-Z


Tanging ang Dugo ni Cristo


May makalilinis ba, Sa karumhan ng puso ko
At huhugas sa sala? Tanging ang dugo ni Cristo!


Koro:
Balong ng pag-asa, Panlinis sa puso ko
Panghugas sa sala, Tanging dugo ni Cristo.


Kung patawad ang nais, Magpasakop kay Cristo
Puso mo ay lilinis, Tanging sa dugo ni Cristo


Tayo’y may katubusan, Dahil sa dugo ni Cristo
Ang ating kabanalan, Tanging sa dugo ni Cristo


Siya ang ating pag-asa, At kapayapaang tunay
Lapit na’t manalig ka, Sa dugo ni Cristo lamang.

 


Tanglaw Mo’y Pagliwanagin


Maliwanag ang parolang Kaawaan ng Awa;
Ngunit tayo’y ibig Niyang Magningas sa aplaya.


Ref
Tanglaw Mo’y pagliwanagin, Sa pusikit na dilim;
Kalul’wang tigib hilahil, Tanglawan at sagipin


Madilim ang kasalanan, Alon ay sumasaal;
May matang nangaghihintay Ng liwanag sa pampang.


Ilawan mo ay linisin At nang di mangulimlim;
Nangalulunod ay kuning Sa pampang makarating.

 


Tayo ay humayo, magtanim sa puso


Tayo ay humayo, magtanim sa puso
ng maraming taong nasisiphayo,
Buhay na Salita, ating ibalita,
tayo ng umani ng gintong bunga.


Koro:
Ibahagi na, dalhin sa madla, Mabuting Balita sa mga bansa,
Ibahagi na, dalhin sa madla, halina’t anihin ang gintong bunga. Amen.


Tayo nang umani sa bawat umaga,
ang maraming bunga’y naghihintay na,
Ang Pangino’ng Jesus ay nag-aanyaya,
tayo na’t anihin ang gintong bunga.


Bungkalin ang lupa, magtanim, umasa
na sa tamang oras ay aani ka,
Minsan may pagtangis, ngunit may pag-asa
bawat kalungkutan, magiging saya.