Filipino Hymn O-Z


Si Cristo ang sandigan ko


Ang aking pag-asa’y lubos
na nakasalig kay Jesus
At ang dugon Niyang dumanak
Sa aking sala’y pang-hugas


Ref
Si Cristo ang sandigan ko,
Siya ang matibay kong Bato,
At kanlungan pag may bagyo.


Kahit danasin ko’y hirap,
Biyaya Niya’ylaging sapat
Pag dumagsa ang pag-subok,
Ang tatawaga’y si Jesus


Ang tatawaga’y si Jesus
Kung puso ko’y nalulumbay,
Siya ang aking kaaliwan
At pag ako’y nanlulumopag-asa


Pag trumpeta’y hinipan na,
At pag-dating Niya ang badya
Tayo nawa’y masumpungang
Kabanalan Niya ang taglay

 


Si Cristong Manggagamot


Laging malapit sa atin Si Cristong Manggagamot.
Lungkot nati’y pinapawi, Ni Cristong Manggagamot.


Ref:
Okay tamis na sambitin, Okay inam ma awitin.
Ngalang dulot ay aliw, O jesus kong giliw.


Patatawarin ka Niya, Ni Cristong Manggagamot.
Sa langit ka iuuwi, Doo’y wala nang luha.


Siya ang sa ati’y tumubos, Si Cristong na Cordero.
Pangalan Niya’y aking mahal, Ang ngalang Jesucristo.


At ‘pag sa langit na bayan, Tayo’y Kanyang tinipon.
Siya’y ating luluwalhatiin, Si Cristong Panginoon.

 


Si Cristo’y Kanlungan


1. Si Cristo ating kanlungan
Kung may pagsubok sa buhay;
Tayo’y Kanyang iingatan
Kahit ano ang dumatal.

Koro:
Si Cristo ang Batong ating kanlungan
Kung may pagsubok sa buhay;
Si Cristo ang Batong ating kanlungan
Na laging maasahan.

2. Kasama ko bawat araw
Si Cristong aking Patnubay;
Ang takot ko’y pinaparam,
Ako’y may kapayapaan.

3. My pag-asa’t kalakasan
Kay Cristo kong minamahal;
Hindi ako babayaan
Ngayon at magpakailanman.

 


Si Hesus nasumpungan ko, tapat na kaibigan


1.Si Hesus nasumpungan ko, tapat na kaibigan,
Siya ang pinakamaganda sa akin;
Punong mansanas na tunay, sa Kanya’y nakita
Ang lahat kong kailangan nang malinis.
Sa lungkot aking aliw, sa gusot pag-asa,
Inako Niya lahat ng suliranin,
Tunay Siyang punong mansanas, tala sa umaga,
Sa akin Siya ang pinakamaganda.


2.Pighati ko’y pinawi Niya, lungkot dinadala;
Sa tukso ay matibay kong moog Siya;
Aking tinalikdan lahat, nang dahil sa Kanya,
Ako’y iniingatan ng lakas Niya.
Talikdan man ng mundo, Satanas magtukso,
Ang Kanyang layunin aabutin ko,
Tunay Siyang punong mansanas, tala sa umaga,
Sa akin Siya ang pinakamaganda.


3.Kailanman ay di Niya ako iiwanan dito,
Habang sa Kanya nananalig ako,
Hindi ako nangangamba, ’koy binabantayan,
Manna Niya’y nagbibigay kabusugan.
At sa kal’walhatian, mukha Niya matanaw,
Ilog ng kasiyahan ay aapaw,
Tunay Siyang punong mansanas, tala sa umaga,
Sa akin Siya ang pinakamaganda.